#Throwback- YMCA Global Citizenship Education (Sri Lanka 2012)

Asia Pacific Alliance of YMCAs Change Agents pose for a shot after receiving their certificates of participation.
Asia Pacific Alliance of YMCAs Change Agents pose for a shot after receiving their certificates of participation.

Not everyone at their young age is given the chance to go abroad to participate in any international event and meet fellow young people from different countries for free.  That is why I am so thankful for the Young Men’s Christian Association (YMCA) for giving me the opportunity to be part of the Change Agents Program from 2012 to 2015.

Its me with the General Secretary  of the Asia Pacific Alliance of YMCAs, Mr. Kohei Yamada.
Its me with the General Secretary of the Asia Pacific Alliance of YMCAs (APAY), Mr. Kohei Yamada.

The year 2012 has been an important year for me as it made me experienced my first trip abroad and my first attendance to an international event, the Global Citizenship Education (GCE) for Change Agents held on 6-10 August 2012 at Colombo, Sri Lanka.

The Global Citizenship Education for Change Agents is under the Youth Empowerment program of the Asia and Pacific Alliance of YMCA (APAY).

Day 1

–         It started with getting-to-know you and team building activities that gave us the chance to speak and meet fellow delegates from other YMCAs all over the Asia and the Pacific.

–          Bishop Tex Gabo, a volunteer of the YMCA of the Philippines discussed the schedule of activities and facilitated the drawing of expectations for the training. The Youth Participation and Leadership Development Committee (YPLD) Chairperson Alvin Kan from YMCA HongKong facilitated exercises on Leadership Development.

Day 2

–              On the second day, Mr. Kohei Yamada, the General Secretary of APAY gave us briefing on YPLD programs, framework and agenda for 2012-2015. These include Youth Empowerment, Issues and Concerns (Global Citizenship), Resource Mobilization and Movement Strengthening.

–              Right after Mr. Yamada’s session, Mr. Jose Varghese, former Executive Secretary of APAY discussed the YMCA Change Model where he explained the role of the youth representatives as change agents.

Sri Lankan women of Vavuniya Village serve us their traditional food.
Sri Lankan women of Vavuniya Village serve us their traditional food.

Day 3

–              Early in the morning, we left the Mas Fabrick Park where we stayed for two nights and traveled for almost six hours to YMCA of Vavuniya. The board members and staff welcomed and served us lunch with their traditional food. Later on we were grouped according to the place of our home stay.

–              We traveled again for one hour then gave a courtesy call to the military camp Division Infantry 61. Here, their commander gave us a presentation on the current situations in the Madukkulam Village where we stayed for one night. Then we proceeded to the village proper. We were welcomed by the villagers with flowers and a speech from the head of the village. After the short program, we gathered all the children and played and sang with them.

Fellow Change Agents play with the children of Madukkulam Village.
Fellow Change Agents play with the children of Madukkulam Village.

–              After that, I, with my two companions went to our host family. The father of the family gave us a tour to their peanut plantation. In the evening they served us with Sri Lankan foods.  The family doesn’t have electrical supply, water facility and a comfortable bed to sleep.

Our Host Sri Lankan Family.
Our Host Sri Lankan Family.

Day 4

–              Early in the morning we bid goodbye to our host family then assembled at the elementary school of the village. We worked with the villagers by clearing out unneeded and dried grass and plants near the school. With this activity, we had the chance to speak and interact with the villagers through some interpreters. A joint meeting of the villagers and change agents happened after.

The APAY Change Agents and the Villagers of Madukkulam, Sri Lanka.
The APAY Change Agents and the Villagers of Madukkulam, Sri Lanka.

–              Before lunch, our group leaved the Madukkulam Village and transferred to Sewalanka Foundation where we took our lunch and rest in the afternoon. By 5:00 o’clock in the afternoon we had our sharing of experiences and planning for our presentation. We traveled back to Negombo YMCA by midnight.

For some photos of our community exposure at Madukkulam Village, check my Facebook Album Community Exposure at Madukkulam Village.

Day 5

–              On the fifth day, we had our presentation of propose programs and closing ceremony in the morning and a beach tour in the afternoon.

–              The National Council of Sri Lanka YMCA celebrated their 50th Anniversary on August 11, 2012 where we, Change Agents participated. An opening ceremony was conducted in the morning showcasing the culture of Sri Lanka through music and dances. In the afternoon, we had a city tour at Colombo. We went back to the Mt. Lavinia Hotel in the evening where a Fundraising Dinner was held.

Philippine Delegation to the 50th Anniversary of the National Council of YMCA Sri Lanka.
Philippine Delegation to the 50th Anniversary of the National Council of YMCA Sri Lanka.

–              On our last day, we had the chance to meet Mr. Johan Vilhelm Eltvik, General Secretary of the World Alliance of YMCAs (WAY). He discussed the Strategic Framework for Global Citizenship Education (GCE) wherein 200 Youth Representatives all over the world would be part of the quadrennium program to maintain their participation and to be updated to their actions regarding the GCE. He also challenged us to be real change agents not just for our local YMCA but for the worldwide benefit.

This is just the narrative of my experience in Sri Lanka. On the succeeding blog, I will share my reflections and insights with the Training and Community Exposure I had in the humble country of Sri Lanka.

Advertisements

TUKSO LAYUAN MO AKO, BUSY AKO!

Image

Natukso ka na ba?! Dumating na ba yung pagkakataon na muntik-muntikan nang tumalon ang puso mo dahil sa matinding emosyon?! Yung tipong pinagpawisan ka dahil sa bawat pagkakataon na ikaw ay tutuksuhin, tumataas ang dugo mo?! Kung hindi pa ang sagot mo sa mga tanong na ito, malamang hindi ka tao. Bakit?! kasi hindi pa man tayo nagkakaisip ay tinutukso na tayo ng mga taong nakapaligid sa atin.

Ngayon ang tanong ko, ano ba kasing tukso ang nasa isip mo?!. Ang tinutukoy ko kasi ay yung kaugalian natin na pagbibigay ng mga bansag o pangalan sa ibang tao dahil sa taglay nilang katangian na maaaring nakabase sa pisikal o di kaya ay sa ugali ng isang nilalang. Kung ibang pakahulugan mo sa salitang tukso, aba, hindi ko na kontrol ang marumi mong pag-iisip. MALISYOSA ka kasi, yan tuloy, natukso na kita.

Sa murang edad ay samu’t saring panunukso na ang natanggap natin mula sa ibang tao, sa ating mga chismosang kapitbahay, feelingerang mayaman na kaibigan,  at matapobreng kamag-anak. Sino ba naman ang hindi nakatanggap ng mga bansag na nilikha dahil sa mga kakaibang itsura ng ilang bahagi ng ating katawan, usong-uso ang pagtawag ng TENGA (ouch, based on experience), MATA (kasi duling, banlag, kirat o hindi kaya ay kasing laki ng bola ng pingpong), ILONG (kasi pango/ sarat/ plakda),   BINTI (inugat ng panahon na nakabuo na ng mapa), LITID, BATOK, TUHOD, BALAKANG, SINGIT, DALIRI, at kung anik-anik pa na bahagi ng ating katawan.

Hindi natatapos sa bahagi ng ating katawan ang pagiging malikhain sa panunukso natin sa ibang tao. May mga bansag din tayo na nanggaling sa mga bagay na nililikha ng ating katawan, PASINTABI PO sa lahat, sila yung tinatawag nating BOY ANGHIT, NENENG KULANGOT, INDAY TAE, DODONG LUGA, PEDRONG KUPAL, LORNANG UHOG at kung anik-anik pa na lumalabas at nililikha ng ating katawan.

Alam ko may kilala ka na tao na tinukso ng kahayupan. Sila ay sina BABOY (binti pa lang, pata na), UNGGOY (mukha palang, orangutan na), PATO, ASO, ISDA, SUROT, PENGUIN, DAGA (tenga pa lang, antenna na, ouch ule), KABAYO (kamusta na kaya mga tinukso ko ng ganitong pangalan), PAGONG (uwian na sa klase sya nagre-recess palang) at GIRAFFE para sa mga taong pinagpala sa leeg.  Sa sobrang daming tao na tinatawag natin sa pangalang ito ay minsan napapaisip ka na, sa hayop kaya talaga tayo nagsimula?!.

Sa lahat na yata ng pangalan na narinig ko sa mundo, ang pangalang BOY na yata ang pinakamaraming nakadikit na pangalawang pangalan. Mayroong BOY TAGA, BOY SASTRE, BOY MARIJUANA, BOY KUPIT, BOY HIPO, BOY TUKA, BOY NGAT-NGAT, BOY BATE, BOY PICK-UP, ngunit ang pinakagusto ng lahat ng kababaihan ay si BOYFRIEND. At syempre hindi rin pahuhuli ang mga masisipag na HONORABLE BOYS sa loob ng ating SENADO, andyan si BOY SEXY, BOY TANDA, BOY POGI na silang mga pinuno ng BCS, BOYS CORRUPT SOCIETY. Hindi na ko magtataka kung marami pang lulutang na mga bagong members ng BCS sa mga darating na buwan. Baka makilala na sila BOY BEKI, BOY SUPOT, at BOY BEERHOUSE.

Sa loob ng dalawampung tatlong taon na pamamalagi ko sa mundo, napagdaanan ko rin naman na tawagin sa mga kakaibang pangalan. Lutang na lutang ang kalakihan ng aking tenga kaya nakilala ako sa amin sa bansag na TENGA o DAGA. Oo, asar na asar ako noong mga panahong naging bisyo ng mga kalaro ko at ibang tao na tawagin ako sa mga bansag na yan. Ganun nga siguro, kaya ng tumuntong ako sa loob ng paaralan, nagpasimuno naman ako sa pagtukso sa ilang mga naging kamag-aral ko.

Si Ms. BABOY, oo siya yung machuba-chuba noong elementary at hayskul kami na nakasuot pa ng napaka-kapal na salamin. Knowing her now, ikaw na lang ang maiilang na lumapit dahil sa taglay nyang kaseksihan at kagandahan. Si Ms. POKSICLE, short for POK2, kasi naman ang dami namang pwedeng gawing role sa dula-dulaan bakit ang pagiging prostitute pa ang kaniyang napili, ayan tuloy, matapos ang camping na yun ng hayskul, Poks na tawag ko sa kanya. Si Ms. KABAYO, honestly, hindi naman talaga siya mukhang kabayo, wala lang, napagtripan ko lang talaga siya na tawaging ganun, kaya ayun, nakigaya na lang iba pang classmates namin. Ilan lamang sila sa mga taong napagbuntungan ko ng tukso nang nag-aaral pa ako.  Power trip ika nga. Pero all of them are still good friends to me now, hindi naman ako tinubuan ng mga kurikong o nilabasan ng insekto sa katawan na indikasyon na baka pinakulam nila ako dahil sa panunukso ko sa kanila.

Seryoso na tayo, alam ko ikaw na nagbabasa nito ay may mga tao ring paboritong biruin. Aminin mo, hindi lahat ng pagtawag mo sa kanila ay panunukso, minsan ito lamang ang iyong paraan para mapansin ka nila. Kasi nga PAPANSIN KA. Don’t get me wrong, gusto mong pansinin ka nila o niya kasi natutuwa ka everytime na niloloko mo siya. At siya naman, kunyari napipikon, yung tipong hahampasin ka nya, kukurutin ka nya, hahabulin ka nya para masaktan ka lamang ng pisikal. Naku, alam ko naman, sa loob-loob mo kinikilig ka sa mga ganoong eksena. Tuksu-tuksuhan. Sakit-sakitan. Sunod, Lambing-lambingan. Ganyan din nagsimula ang mga lolo at lola ko, kunyari hinabol ni Lola si Lolo ng itak nang tuksuhin siya nitong LAURING WALANG PANTY, matapos ang syam na buwan, may supling na sila, si MARIE, si MARIE na ARAW-GABI, WALANG PANTY. No doubt anak nga siya ni Lola Lauring.

Wait seryoso na diba, sabi nga nila, your worst enemy may be your closest company. Hindi na ako magtataka na yung taong lagi mong tinutukso ay maaaring maging kasama mo habang buhay. Paalala lang sa mga mahilig magpakalasing, baka yung tinatawag mong ULIGBA ay maging DYOSA kapag lasing kana. Naku, baka pagsisihan mo na magpakalasing ka.

Ngunit sa dinami-rami man ng panunukso na ating natanggap sa tanang buhay natin, darating ang panahon na natural na mawawala ang mga ito sa pamamagitan ng ating pagtanggap sa ating sarili o sa pagninilay-nilay ng ibang tao na hindi kana tinatablan sa kanilang mga sinasabi. Maliban sa mga dahilang ito ay ang patuloy na pagma-mature ng isang indibidwal na kung saan nalalaman niya na mas mahalagang buhayin ang sarili kaysa pagkatuwaan ang ibang tao.

May mga taong naging inspirasyon ang kanilang naranasang kaapihan sa pagkabata upang abutin ang tagumpay sa kanilang pagtanda. Huwag ka magtaka na baka iyang tinutukso mo ng BANSOT o PANOT ang susunod na maging pangulo ng Pilipinas.

Sa huli tayo ang magdadala ng ating sarili. Sabihin na ng lahat ng tao ang gusto nilang sabihin patungkol sa atin ngunit tayo sa sarili parin natin ang huling paghuhusga. Ang ating pagtanggap sa  ating kakulangang pisikal o kahinaan ang maaaring maging pinakalakas natin sa lahat ng oras.

Kaya para naman sa mga natukso, tinutukso at tutuksuhin ko, LABYU! At para sa mga nanukso, nanunukso at manunukso sa akin, PAKI-EXPLAIN.

Si TEBAN Magba-BLOG?!

1x1

Weh?! Hindi nga?!

Ako si Christoper Paroni San Ramon, isang simpleng kabataan ng Tondo, I just turned 23 last September 2013. Mas maraming tao ang nakakakilala sa akin sa pangalang TEBAN (saka ko na kwento kung paano naging Teban). Ako ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang NGO, kagawad sa isang barangay, anak ng nanay ko at bf ng gf ko.

Nasa estado ako ng pagka-excite nang maisipan kong opisyal ng daanin sa pagsulat ng blog ang mga bagay-bagay na pinaglalalagay ko sa Facebook. Pakiramdam ko kasi puro pasilip lang sa buhay ko ang nilalagay ko sa FB. Gusto ko na ngayong magkaroon ng espasyo kung saan ang aking mga karanasan, prinsipyo at pang-araw-araw na buhay ay mailahad ko sa pamamagitan ng pagsusulat.

Ano naman ang ibabahagi ko sa blogsite na ito?!, Marami, nais kong ibahagi ang aking bawat paglalakbay sa mga lugar na aking napupuntahan, mga espesyal na taong aking nakakasalamuha at mga simpleng pangyayari na mayroong aral at mensaheng maipaparating sa atin.

Ninais ko ring idaan sa lenggaweng maiintindihan ng aking mga katropa, kabarangay, kaibigan at kapitbahay ang mga susulatin ko na silang aking pangunahing target na magbasa ng mga ito. Palusot ko lang po yan, baka kasi maparami ko pa ang mga mapanglait sa Pinas kapag nagkamali ako sa grammar ko. LOL. Kaya dapat nating mahalin ang ating pambansang wika, ang Tagalog, este Filipino pala.

Eto na muna ang aking mailalagay at inuutusan na ako ng aking amo bumili ng supplies sa SM Manila, may camping kasi kami sa Antipolo bukas.

First Official Blog ko bukas Promise! Sa Summer Camp na pupuntahan ko.

Stories of a man from Tondo, Manila who keeps on dreaming, believing and fighting.