Si TEBAN Magba-BLOG?!

1x1

Weh?! Hindi nga?!

Ako si Christoper Paroni San Ramon, isang simpleng kabataan ng Tondo, I just turned 23 last September 2013. Mas maraming tao ang nakakakilala sa akin sa pangalang TEBAN (saka ko na kwento kung paano naging Teban). Ako ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang NGO, kagawad sa isang barangay, anak ng nanay ko at bf ng gf ko.

Nasa estado ako ng pagka-excite nang maisipan kong opisyal ng daanin sa pagsulat ng blog ang mga bagay-bagay na pinaglalalagay ko sa Facebook. Pakiramdam ko kasi puro pasilip lang sa buhay ko ang nilalagay ko sa FB. Gusto ko na ngayong magkaroon ng espasyo kung saan ang aking mga karanasan, prinsipyo at pang-araw-araw na buhay ay mailahad ko sa pamamagitan ng pagsusulat.

Ano naman ang ibabahagi ko sa blogsite na ito?!, Marami, nais kong ibahagi ang aking bawat paglalakbay sa mga lugar na aking napupuntahan, mga espesyal na taong aking nakakasalamuha at mga simpleng pangyayari na mayroong aral at mensaheng maipaparating sa atin.

Ninais ko ring idaan sa lenggaweng maiintindihan ng aking mga katropa, kabarangay, kaibigan at kapitbahay ang mga susulatin ko na silang aking pangunahing target na magbasa ng mga ito. Palusot ko lang po yan, baka kasiĀ maparami ko pa ang mga mapanglait sa Pinas kapag nagkamali ako sa grammar ko. LOL. Kaya dapat nating mahalin ang ating pambansang wika, ang Tagalog, este Filipino pala.

Eto na muna ang aking mailalagay at inuutusan na ako ng aking amo bumili ng supplies sa SM Manila, may camping kasi kami sa Antipolo bukas.

First Official Blog ko bukas Promise! Sa Summer Camp na pupuntahan ko.

Advertisements

3 thoughts on “Si TEBAN Magba-BLOG?!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s